Muling isinailalim sa yellow alert ngayong hapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NDCP) ang Luzon grid.
Ayon sa NGCP, ipinatupad ito simula ngayong ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon, at muling ibabalik mamayang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Nagpapahiwatig ang yellow alert na ang grid ay may manipis na reserba ng kuryente, batay sa pagkakaiba ng supply at demand.
Ipinatupad ito matapos apat na planta ang sapilitang ipinatigil ang operasyon, habang tatlo ang tumatakbo sa derated capacities, sa kabuuang 280,000 mega watts na hindi available sa grid.
Ang available na kapasidad ngayon ng NGCP ay 11,572 megawatts habang 10,548 ang peak demand.