Muling isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert status ang Luzon grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Umiral ang yellow alert mula alas-8 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at iiral muli mamayang alas-5 ng hapon hanggang ala-6 ng gabi, gayundin mamayang alas-11 ng gabi hanggang alas-12 ng hating gabi.
Isasailalim din sa red alert status ang Luzon grid mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi, indikasyon na kulang na ang suplay ng kuryente.
Dahil dito asahang makakaranas ng rotational brownout sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Metro Manila.