Muling isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow alert status nitong Martes ng umaga.
Batay sa abiso ng NGCP, isinailalim ang Luzon grid sa yellow alert kaninang alas-9 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga.
Muli itong iiral mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng hapon at mula alas-10 ng gabi hanggang alas-12 ng hating gabi.
Ang pagsasailalim sa yellow alert ay indikasyon ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon base sa suplay at demand nito.
Samantala, isinailalim din sa red alert status ang Luzon grid mula kaninang alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at muling iiral mula alas-6 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Ayon sa NGCP, ito ay dahil sa power supply deficiency sa mga planta.