Muling itinaas sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mayroon lamang available capacity na 11,433 megawatts habang umaabot sa 10,524 megawatts ang peak demand.
Iiral ang yellow alert sa Luzon mula ala una hanggang alas tres ng hapon.
Wala namang inaasahang rotational brownout bunsod ng yellow alert maliban na lamang kung may planta pa ng kuryente ang papalya.