Itinaas sa yellow alert ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon Grid.
Ayon sa NGCP, ito’y dahil sa mababang supply ng kuryente ngayong araw kung saan nasa 248 megawatts lamang ang reserbang naiwan.
Kabuuang 1,894 megawatts ang nawala matapos pumalya ang ilang planta kasunod ng nangyaring lindol sa Batangas noong weekend.
Batay sa abiso ng NGCP, maraming planta ang nasa forced outage, extended outage at preventive maintenance kaya’t pinapayuhan ang publiko na magtipid ng kuryente.
By Meann Tanbio