Walang mararanasang brownout sa bahagi ng Luzon ngayong panahon ng tag-init o summer season.
Ito’y ayon sa Department of Energy (DOE) sa kabila ng apat na magkakasunod na pagdedeklara ng yellow alert o pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon Grid.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, sapat ang suplay ng kuryente at wala silang nakikitang power interruption base sa suplay ng kuryente kahit pa may yellow alert.
Gayunman, binigyang diin ni Fuentebella ang pangangailangan ng bagong mga planta ng kuryente dahil naluluma na aniya ang mga power plant sa Luzon.