Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Vanuatu kaninang umaga.
Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 190km timog ng isla ng Ambrym na bahagi ng Pacific Ocean.
Ayon sa Vanuatu’s National Disaster Management Office, tumagal ng hanggang 30 segundo ang malakas na pagyanig bagamat wala namang naitalang pinsala matapos nito.
Sinabi ng Pacific Tsunami Warning Center sa Hawaii na walang anumang banta ng tsunami mula sa lindol.
—-