Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Cotabato ngayong Biyernes, Nobyembre 1.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang naturang pagyanig sa bayan Tulunan, Cotabato, 7:18 ng umaga.
May lalim itong 18 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity II sa Kidapwan City at Intensity I naman sa Malungon, Sarangani.
Samantala, wala namang inaasahang aftershocks at wala namang naitalang pinsala sa mga istraktura.