Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Capoocan, Leyte dakong alas-5:19 ng umaga.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) undersecretary at PHIVOLCS director Renato Solidum, bunga ito ng paggalaw ng Philippine Fault Zone-Leyte segment.
Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity V sa Kananga, Capoocan at Pastrana, Leyte, gayundin sa Tacloban at Ormoc City.
Intensity IV naman sa Palo, Dulag, Babatngon, Alang-Alang at Plompon, Leyte, gayundin sa Mandaue City, Cebu City at Naval, Biliran.
Samantala, Intensity III ang naramdamang lakas sa Lapu-Lapu City, Lawaan at Eastern Samar.
Nakapagtala na rin ng mga aftershocks ang PHIVOLCS.
Ayon kay Solidum, aktibo ang Leyte segment ng Philippine Fault kaya’t hindi imposibleng masundan ng mas malakas pang pagyanig ang nangyaring lindol. —sa panayam ng Ratsada Balita