Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang ilang lugar sa Mindanao ngayong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang sentro ng naturang lindol sa bayan ng Alabel sa Sarangani dakong alas-7:22 ng umaga.
Una itong naitala sa magnitude na 6.2, na may lalim na 54 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala naman ng PHIVOLCS ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
- Intensity V – General Santos City
- Intensity IV – Kiamba, Sarangani;Tupi and Koronadal City, South Cotabato
- Intensity III – Alabel, Sarangani; Kidapawan City
Inaasahan din ang pagkakaroon ng aftershocks at pinsala matapos ang malakas na pagyanig.
Samantala, sa panayam naman ng DWIZ kay PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr., pinawi nito ang pangamba ng pagkakaroon ng tsunami matapos ang lindol.
So far, hindi naman ito magdudulot ng tsunami,” ani Solidum. —sa panayam ng IZ Balita Nationwide
#EarthquakePH #EarthquakeSarangani#iFelt_SaranganiEarthquake
Earthquake Information No.1
Date and Time: 16 Dec 2020 – 07:22 AM
Magnitude = 6.1
Depth = 054 kilometers
Location = 06.12N, 125.39E – 011 km N 79° E of Alabel (Sarangani)https://t.co/OdDhZLvmNT pic.twitter.com/7NcthDSjPf— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) December 15, 2020