Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang San Agustin, Surigao del Sur, umaga ng Lunes.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa 11-kilometro hilagnag-kanluran ng San Agustin, Surigao del Sur.
May lalim itong 58-kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.
Naitala ang instruemental intensities nito sa mga sumusunod na lugar:
- Intensity IV – Bislig City
- Intensity III – Gingoog City, Misamis Oriental
- Intensity II – Cagayan de Oro City; Surigao City, Surigao del Norte;
- Intensity I – Alabel, Sarangani; Koronadal, Tupi, South Cotabato; Kidapawan City; Palo, Leyte; Borongan City
Samantala, bagaman posibleng makaranas ng pagkapinsala at aftershocks, ay hindi naman ito inaasahang magdudulot ng tsunami.