Todo dasal ngayon sina Direk Brillante Mendoza at aktres na si Jaclyn Jose matapos na mapili ang kanilang pelikulang Ma’ Rosa bilang official entry ng Pilipinas sa best foreign languange film category ng prestihiyosong Oscar Awards.
Ayon kay Mendoza, maligaya siyang matapos ang 10 taon ay napansin din ng Film Academy of the Philippines ang kanyang pelikula para ilahok sa international scene.
Ang FAP ay ang syang inatasan para magsumite ng nominee para sa Oscars.
Samantala, positibo naman dito ang maraming movie critic lalo na’t kinilala na ang pelikulang Ma’ Rosa ng Cannes Film Festival kamakailan.
Ilang pelikulang Pilipino na rin ang naipadala sa Oscars ngunit inalat ang mga ito dahil hindi man lamang napasali sa magic five finalists.
Magagawa kaya ng Ma‘ Rosa na maiuwi ang Oscars, yan ang ating aabangan.
By Rianne Briones