Tanging mga fully vaccinated individuals ang papayagan na makadalo sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, nasa 350 indibidwal ang papayagang pisikal na dumalo sa SONA.
Maliban dito, ang mga bisitang papasok sa plenaryo ay dadaan sa RT-PCR at Antigen Testing.
Kabilang sa mga inimbitahan sa huling SONA ang mga dating pangulo, bise presidente, speakers of the house at iba pang mahahalagang personalidad.
Sinabi pa ni mendoza na isa sa mga kumpirmadong dadalo ay si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Isasailalim naman sa lockdown ang batasang pambansa simula Hulyo 23. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico