Lilimitahan ng Commission on Elections o COMELEC ang sasama sa mga maghahain ng Certificate Of Candidacy o COC.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, isa lamang ang maaaring sumama sa loob bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.
Maliban dito, kailangan din munang magsumite ng negatibong RT-PCR o antigen test result isang araw bago sumama sa maghahain ng COC.
Maghahanda rin ang ahensya ng mga tauhan ng Philippine National Police o PNP at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa posibilidad na may mag rally sa harap ng kanilang tanggapan.
Samantala, magsisimula ang filing ng COC ng mga kakandidato sa a-primero at tatagal hanggang Oktubre 8.