Magsasagawa ang Department of Science and Technology (DOST) ng pag-aaral kaugnay sa pag “mix and match” ng magkaibang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ito ay para matukoy ang mga maaaring kombinasyong bakuna sa pangalawang doses.
Ani Dela Peña, mayroong pitong bakuna na aprubado at may emergency use authorization (EUA) ngunit hindi aniya matitiyak kung darating sa tamang araw ang mga kailangang second dose kaya’t kailangang magkaroon ng ibang bakunang maaaring maging kombinasyon sa 1st dose.
Aniya maaari namang ipang-mix ang lahat ng bakuna ngunit mas maganda kung magkakaroon ng batayan at matukoy ang mas magandang kombinasyon.
Inaasahan umanong sisimulan ang nasabing pag-aaral sa susunod na buwan at tatagal ng 18 buwan kung saan mayroong 1,200 participants.