Maaaga pa umano para sabihing humuhupa na ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) matapos makapagtala ng mababang bilang ng nadagdag na kaso ng sakit sa isang araw.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi ibig sabihin nito ay dapat ng maging kampante ang lahat dahil sa pagbaba ng nasabing bilang.
Ani Vergeire, dapat pa rin na manatili tayong maingat at i-obserba ang mga health measures para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa bansa.
Kasabay nito, muling iginiit ng opisyal sa publiko na makabubuting manatili pa rin sa bahay at iwasan din ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon.