Nababahala ang grupong Bantoxics! sa maagang pagbebenta ng mga paputok sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Ayon sa grupo, dumarami ngayon ang mga nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok katulad ng five star, whistle bomb, giant bawang at happy ball partikular na sa Divisoria, Maynila.
Nabatid na may kaukulang parusa ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng iligal na paputok at iba pang pyrotechnic devices.
Matatandaang noong nakaraang taon, nagpalabas ang Philippine National Police (PNP) ng listahan ng mga paputok na bawal ibenta sa publiko kabilang na dito ang:
Watusi
Piccolo
Poppop
Five Star
Pla-pla
Lolo Thunder
Giant Bawang
Giant Whistle Bomb
Atomic Bomb
Super lolo
Atomic Triangle
Goodbye Bading
Large-size Judas Belt
Goodbye Philippines
Goodbye Delima
Bin Laden
Hello Columbia
Mother Rockets
Goodbye Napoles
Coke-in-Can
Super Yolanda
Pillbox
Mother Rockets
Boga
Kwiton
Kabasi
Ipinagbabawal din ang mga overweight at oversized firecrackers pyrotechnic devices o ang FCPD at lahat ng imported finished products sa bansa.
Matatandaang una nang sinasabi ng DOH na ang mga paputok ay naglalaman ng mga kemikal na kinabibilangan ng cadmium, lead, chromium, aluminum, magnesium, nitrates, nitrite, sulphur at iba pa na maaaring makapinsala sa nervous at respiratory system ng isang tao.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa Philippine National Police (PNP) na inspeksiyonin ang mga tindahan ng paputok sa Metro Manila at kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na paputok partikular na sa mga public market.
Layunin nitong mapigilan ang mga manufacturer sa paggawa, pagbebenta, at pamamahagi ng paputok para maiwasan ang firecracker-related injury and toxic exposure sa mga kabataan.