Inihayag ni Political Analyst Prof. Jean Franco, na malaking tulong sa pagsasaayos ng bagong adinistrasyon ang maagang pagbibitiw sa puwesto ng mga gabinete.
Ayon kay Franco, posibleng nais lamang ng mga opisyal na manatili sa unang isandaang araw ni PBBM bago umalis sa kanilang serbisyo.
Sinabi pa ni Franco, na magandang oportunidad at malaking tulong ito sakaling maaprubahan na ng Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga sa mga bagong opisyal na papalit kina dating Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles; dating Commission on Audit (COA) Chairman Jose Calida; at dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.
Sinabi din ng opisyal na matagal nang umiiral ang isyung faction sa loob ng malakanyang noon pang panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III pero hindi na ito dapat makaapekto sa pagbubuo ng desisyon sa malakanyang, hinggil sa mga bagong nabanggit na puwesto.