Sisimulan na ng Department of Education (DEPED) ang pagtanggap ng mga estudyateng maagang magpaparehistro para sa school year 2021-2022 ngayong Biyernes, Marso 26.
Maaari ng magparehistro simula ngayong Biyernes hanggang Abril 30 ang mga kindergarten, grade 1, 7 at 11 habang hindi namang kinakailangang magparehistro pa ang mga nasa grade 2,6,8,10 at 12.
Ayon kay DEPED UnderSecretary Jesus Mateo, nakadepende sa quarantine restrictions sa bawat rehiyon ang magiging paraan ng pagpaparehistro.
Dagdag ni Mateo, layunin ng naturang early registration na mapaghandaan ang bilang ng mga estudyante at upang makapaghanda rin ang mga paaralan.
Target aniya ng kagawaran na nasa 30 hanggang 35 lamang ang bilang ng mga estudyante sa bawat klase habang inaasahan nito na mas malaking numero ngayon ng estudyante ang mag-eenroll kumpara noong nakaraang taon.
Matatandaang nagsimula ang distance learning noong nakaraang taon nitong Oktubre sa mga pampublikong paaralan sa bansa,bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19. — sa panulat ni Agustina Nolasco