Inaasahan ng palasyo ng Malakanyang na tutuparin ng Kongreso ang kanilang pangko na ipapasa sa tamang oras ang 2020 national budget.
Ayon kay Cabinet Secretary Carlo Nograles, umaasa siyang bibigyang prayoridad ng mga mambabatas ang maagang pag-apruba sa 2020 General Appropriantions Act.
Dagdag pa nito, kailangang mapirmahan ito sa tamang oras upang hindi magkaroon ng anumang problema sa mga proyekto ng pamahalaan.
Umaasa rin si Nograles na mapipirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagitnaan ng Disyembre ngayong taon.
Magugunitang nakapasa na sa third and final reading ang 2020 GAA sa Kamara noong Huwebes ng gabi. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)