Dapat na ring maghanda ang mga Local Government Unit sa labas ng National Capital Region sa implementasyon ng alert level system.
Ito ang ipinaalala ng Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP upang hindi umano magkabiglaan sa oras na ipatupad din ang kahalintulad na sistema sa ibang probinsiya.
Sa laging handa public briefing, inihayag ni ulap Chairman at Quirino governor dakila Cua na kailangang ituro na agad ang bagong sistema upang maka-adapt ang mga LGU.
Magugunitang isinailalim ang Metro Manila sa pilot implementation ng alert level system simula Setyembre 16 hanggang bukas, Setyembre 30.
Sinabi naman ni National Task Force Spokesman Restituto Padilla na dapat ay magsilbing aral na umano ang naranasan noon na agarang pag-anunsyo ng alert level system nang hindi pa naihahanda ang kaukulang panuntunan dito.—sa panulat ni Drew Nacino