Target ng Alaska Aces na maungusan ang Globalport Batang Pier sa best-of-seven semifinals series ng Smart Bro PBA Philippine Cup.
Dahil dito, asahan na ang umaatikabong aksiyon sa Game Three ng serye na gaganapin sa Mall of Asia Arena mamayang alas-siete ng gabi.
Matatandaang naging pisikal ang laro sa Game two sa pagitan ng Aces at Batang Pier sa serye at katunayan ay nabalot ito ng 16 na technical fouls kung saan 13 rito ay naganap sa unang quarter.
Sa dami ng fouls na nagawa ni Calvin Abueva ay pinatawan ito ng multa na nagkakahalaga ng mahigit P40,000.
Ang mananalo sa serye ng dalawang team ay haharap sa semi-final series naman sa pagitan ng Rain or Shine at San Miguel Beermen.
By Jelbert Perdez