Patuloy na nakararanas ng maanlinsangang panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw na ito.
Ayon kay Weather Forecaster Glaiza Escullar ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA, ito’y dahil sa easterlies na umiiral sa eastern section.
Gayunman, sinabi ni Escullar na mataas pa rin ang tiyansang umulan sa mga lugar sa silangan ng bansa bunsod pa rin ng easterlies.
Ang easterlies o ang hangin mula sa silangan ay mainit sanhi ng namumuong localized thunderstorm clouds.
By Jelbert Perdez