Asahan parin ang pag-iral ng easterlies sa bahagi ng Luzon na nagdudulot ng maalinsangang panahon na may pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon o gabi.
Makakaranas din ng pulu-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang bahagi ng Visayas at Mindanao dulot parin ng easterlies.
Wala namang inaasahang malawakang pagulan at wala ring nakataas na gale warning signal dahil banayad hanggang sa katam-taman ang pag-alon sa karagatan.
Ayon kay PAGASA weather specialist Samuel Duran, umaabot sa .6 hanggang 2.5 meters ang alon ng dagat kaya’t maaring makapaglayag ang mga kababayan nating mangingisda maging ang mga maliliit na sasakyang pang dagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:04 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:06 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero