Magpapatuloy ang mararanasang maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, wala silang binabantayang sama ng panahon o Low Pressure Area sa kasalukuyan.
Sa ngayon, nakakaapekto sa Hilagang Luzon ang ridge of High Pressure Area habang easterlies naman ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.
Kahapon, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao City na nasa 38 degrees Celsius habang pinakamataas naman ang heat index na naitala sa Science Garden sa Quezon City na nasa 48.6 degrees Celsius.
—-