Mainit at maalinsangan parin ang mararanasan sa bahagi ng Luzon partikular na sa Metro Manila pero magkakaroon ng mga pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi dulot parin ng localized thunder storm.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chriz Perez, mainit at maalinsangang panahon din ang mararanasan sa Visayas at Mindanao kung saan, mataas ang tiyansa ng mga thunderstorm sa hapon hanggang sa gabi.
Nagpaalala naman sa publiko ang PAGASA na kung hindi mahalaga ang lakad ay huwag na munang lumabas ng bahay.
Mainam parin na magdala ng payong o anumang panangga sa biglaang pagbuhos ng ulan o matinding sikat ng araw upang hindi magkasakit.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:25 ng hapon.