Magiging maalinsangan pa din ngayong weekend.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang heat index o ang “init factor” sa Metro Manila ngayong araw ay maaaring umabot sa 38.6 degrees celsius at bukas naman ay maaari itong umabot sa 39 degrees celsius.
Ang ganito kainit na temperatura, ayon sa PAGASA, ay maaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion at kung hindi mag-iingat, maaaring mauwi sa pagkakaroon ng heat stroke.
By Katrina Valle