Patuloy pa ring makakaranas ng maaliwalas at maalinsangang panahon ang Luzon area na may tiyansa ng mga isolated localized thunderstorm.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, maaliwalas na panahon na may pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararamdaman sa Visayas at Mindanao.
Wala namang nakataas na gale warning ang pagasa sa anumang baybayin ng karagatan kaya malayang makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda maging ang mga maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 33 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:31 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:14 ng hapon.