Makakaranas ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng Luzon maliban na lamang sa mga pulo-pulong mga pag ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi.
Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa nalalabing bahagi ng Luzon partikular na sa Bicol Region, Tuguegarao, Laoag, Baguio, Legazpi, Puerto Princesa at Kalayaan Island.
Magiging maulap naman ang panahon sa bahagi ng Kabisayaan kabilang na dito ang Tacloban, Iloilo at Cebu dulot parin ng easterlies o yung hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.
Maaliwalas naman ang panahon sa malaking bahagi ng Mindanao partikular na sa Cagayan De Oro, Davao at Zamboanga.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:12 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:04 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero