Asahan pa rin ang maaliwalas na panahon sa bahagi Luzon partikular na sa Metro Manila maliban na lamang sa mga isolated rain showers o thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi dulot parin ng easterlies at Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Makakaranas rin ng maaliwalas na panahon ang Visayas kabilang na dito ang Samar, Leyte, Biliran, Bohol, Siquijor, Cebu, Negros Island, Guimaras at Panay Island.
Magiging maaliwalas din ang panahon na mararanasan sa mindanao kabilang na riyan ang Caraga, Davao, Soccsksargen, BARMM at Zamboangga kung saan, malaki ang tsansa ng mga pag-ulan dulot parin ng ITCZ.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 35 °C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:29 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:15 ng hapon.