Asahan parin ang epekto ng hanging amihan sa dulong hilaga ng Luzon habang magiging maulap na may mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Island.
Makakaranas ng maaliwalas na panahon ang northern Luzon, buong central Luzon at Metro Manila pero posibleng magkaroon ng mahihinang pag-ulan sa hapon o sa gabi.
Magiging mainit at medyo maalinsangan naman ang southern part ng Luzon pero may tiyansa ng mga pag-ulan na may kasamang pagkidlat at pagkulog sa hapon o sa gabi.
Mainit na panahon din ang mararanasan sa buong Visayas at Mindano pero may isolated rain showers dulot ng localized thunder storm.
Nagpaalala naman ang PAGASA sa publiko na ugaliing magdala ng payong bilang proteksiyon sa init ng araw maging sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Magiging maalon parin sa ilang baybaying dagat kabilang na ang Batanes at Babuyan Island kaya pinapayuhan ang mga mangingisda at may mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot upang maging ligtas.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa 24°C na may maximum level hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:16 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:23 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero