Asahan pa rin na magiging maaliwalas ang buong bahagi ng Luzon kung saan, magiging mainit sa umaga hanggang tanghali pero may tiyansa ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi bunsod ng localized thunder storm.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, wala pa ring inaasahang weather system sa bahagi ng Visayas at Mindanao kaya patuloy ang maaliwalas na panahon lalo na sa umaga hanggang tanghali.
Mataas din ang posibilidad ng mga isolated rain showers sa hapon hanggang sa gabi dala ng mga localized thunder storm.
Wala namang nakataas na gale warning kaya malayang makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda maging ang maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26 hanggang 33 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:24 ng hapon.