Asahan na magiging maaliwalas ang panahon ngayong araw sa malaking bahagi ng Luzon maliban nalang sa Bicol Region na makakaranas ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa nararanasang Low Pressure Area (LPA).
Wala namang inaasahang gale warning pero pinag-iingat ng PAGASA ang mga mangingisdang papalaot maging ang mga maliliit na sasakyang pandagat dahil magiging maalon ang karagatan sa silangang bahagi ng Southern Luzon maging sa Visayas at Mindanao.
Samantala, magiging katamtaman hanggang sa maalon na karagatan naman sa natitirang bahagi pa ng bansa.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 31 °C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:25am at lulubog naman ito mamayang 5:51pm. —sa panulat ni Angelica Doctolero