Improving weather condition o maaliwalas na panahon ang inaasahan ng PAGASA sa bahagi ng Luzon lalo na sa umaga hanggang tanghali.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, posibleng magkaroon ng pag-ulan sa Luzon partikular na sa Metro Manila pagsapit ng hapon hanggang sa gabi bunsod parin ng localized thunderstorm.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Kalayaan Island kayat asahan ang mainit na temperatura na mararanasan na posibleng umabot sa 33°C.
Wala namang nakikitang weather system o bagyo ang PAGASA na posibleng makaapekto sa Visayas at Mindanao kayat asahan ang maghapong maaliwalas na panahon pero magiging mainit sa tanghali at posible namang ulanin pagsapit ng hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:42 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:18 ng hapon.