Asahan na magiging maaliwalas parin ang panahon sa bahagi ng Luzon partikular na sa Metro Manila na may mababang tiyansa ng mga pag-ulan sa umaga hanggang tanghali pero pagsapit ng hapon hanggang sa gabi ay may mga posibilidad ng panandaliang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dala parin ng easterlies at localized thunder storms.
Mananatili namang maulap ang panahon sa bahagi ng Eastern Visayas dahil parin sa easterlies.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Central Visayas at Mindanao habang makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang natitirang bahagi pa ng Visayas.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 34°C habang sumikat naman ang haring araw 5:36 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:12 ng hapon.