Patuloy paring makakaranas ng maaliwalas na panahon ang bahagi ng Luzon maliban na lamang sa mga isolated rain showers o thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi partikular na sa Metro Manila.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, magkakaroon ng pulu-pulong mga pag-ulan, pag-kulog at pagkidlat sa bahagi ng Visayas at Mindanao dahil parin sa localized at isolated thunder storms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25 hanggang 33 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:39 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:11 ng hapon.—sa panulat ni Angelica Doctolero