Lubhang mapanganib ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat partikular na sa mga baybayin ng hilagang Luzon.
Ito ang ibinabala ng PAGASA dahil sa malakas na hanging dulot ng northeast monsoon o hanging amihan.
Bagama’t umiiral na ang amihan, sinabi ng PAGASA na ang easterlies o ang hangin namang nagmumula sa silangan ang siyang umiiral sa silangang bahaging bansa.
Kaya payo ng PAGASA, manatiling nakatutok sa kanilang mga abiso upang magabayan hinggil sa lagay ng panahon.
By Jaymark Dagala