Kinalampag ng isang grupo ng mga magsasaka ang tanggapan ng Ombudsman para imbestigahan ang halos P2-B fertilizer supply contracts na pinasok ng Department of Agriculture (DA) nuong isang buwan.
Ito’y para gamitin sanang stimulus package ng da para sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng kaliwa’t kanang lockdown dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Joseph Canlas, Chairman ng alyansa ng mga magbubukid sa gitnang luzon, mayruong kapangyarihan ang Ombudsman para magsagawa ng Motu Propio na imbestigasyon sa nasabing anomalya.
Nanawagan din si Canlas sa mga magsasaka na siyang nakalistang benepisyaryo ng nasabing kontrata na lumantad at tumestigo laban sa mga tiwaling opisyal ng kagawaran
Magugunitang naglaan ang DA ng mahigit P5-B para ipambili ng urea fertilizer sa ilalim ng ahon lahat, pagkaing sapat kontra COVID-19 program.
Nagkakahalaga ito ng P1,000 kada bag gayung nabisto ang averge retail price nito ay nasa P850.00 lamang.