Dismayado ang grupong Samahan ng Agrikultura ng Pilipinas (SINAG) sa pahayag ni Agriculture Secretary William Dar na above board ang pinasok na kontrata ng kagawaran sa pagbili ng halos P2-bilyong fertilizer para sa mga magsasakang apektado ng COVID-19 pandemic.
Sa panayam ng DWIZ kay SINAG chairman Rosendo So, sinabi nito na maituturing itong ‘centralized corruption’ matapos kontrolin ng ilan sa mga opisyal ng DA ang negotiated bidding para sa mga urea fertilizers.
Tila binigyang katuwiran pa ng kalhim ani So ang ginawang overpricing sa pagbili ng mga abono sa P1,000 kada bag gayung ang average retail price nito ay nasa P850 lamang kada bag.
Hinamon din ni So ang publiko na magtungo sa alinmang outlet store sa Central Luzon para malaman kung magkano talaga ang presyuhan ng urea fertilizer.