Nagbabala si Senate minority floor leader Ralph Recto na maaaring tumagal ng Dalawang taon ang pag rehabilitate sa mga drug addict sa bansa dahil sa laki ng kakulangan sa mga rehabilitation center.
Ayon kay Recto, umaabot sa higit Isang Milyon ang bilang ng mga drug dependent sa bansa kung saan 600,000 na ang napabalitang sumuko na.
Sa kabilang banda, lumilitaw na 3,216 lamang ang kabuuang bilang ng mga bed sa mga government at private drug rehabilitation center.
Ayon pa kay Recto, walang government rehabilitation center sa halos kalahati ng mga rehiyon sa bansa.
Iginiit ng Senador, dapat na laging may kaakibat na pagpapalawak ng drug rehabilitation system ang mga kampanya laban sa iligal na droga.
By: Avee Devierte / ( Reporter No. 19 ) Cely Bueno