Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Maasim sa Sarangani.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagyanig ay naitala ngayong Linggo, Disyembre 31 ng 10:53 ng gabi na may layong 14 kilometro sa kanlurang bahagi ng bayan ng Maasim.
Naramdaman naman ang intensity ng naturang lindol sa ilang lugar: Intensity 3 sa General Santos City at Davao City, at intensity 2 sa Zamboanga City.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na dalawang (2) kilometro.
Samantala, wala namang nasaktan o napinsalang mga gusali habang inaasahan na ang aftershocks matapos ang pagyanig na tectonic ang origin.