Pinatitiyak ni Senator Grace Poe sa mga water concessionaires sa bansa ang mabuti at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig sa publiko.
Ito ay matapos alisin ang 12% Value Added Tax (VAT) sa bill ng tubig na inanunsiyo ng Maynilad at Manila Water.
Ayon sa Senadora, hindi dapat mauwi sa mababang kalidad ng serbisyo ang naging bawas-singil.
Habang umaasa rin ito na hindi maaantala ang serbisyo ng tubig sa mga susunod na araw.
Samantala, nanawagan din ang senadora sa mMtropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na patuloy na tiyaking susunod ang mga distributor ng tubig sa concession agreement para sa tuloy-tuloy na serbisyo lalo na sa tag-init.
Epektibo ang pagtanggal ng VAT sa bill simula sa Marso 21 2022. - sa panulat ni Abigail Malanday