Patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon ka Prof. Guido David ng OCTA Research, nakapagtala ang Pilipinas ng 0.37 reproduction number.
Bukod dito, nasa 1,600 kada araw na lamang ang seven day average ang kaso sa buong bansa kumpara sa naitala nuong nakaraang linggo.
Umaasa naman ang OCTA na bago matapos ang buwan ay mas mababa pa sa 1,000 ang naitatalang seven day average ng bansa.
Kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ay posibleng maging maayos ang ating kapaskuhan sa susunod na buwan.