Nagpasaklolo na ang NCRPO o National Capital Region Police Office sa mga Local Government Units sa Metro Manila para makapagpatayo ng mga maayos na kulungan sa mga himpilan ng pulisya.
Ito’y ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ay para sa mga nahuhuli nilang suspek na naghihintay na mai-turn over sa kostudiya ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology.
Ginawa ni Albayalde ang pahayag bunsod na rin ng nabunyag na sikretong kulungan sa station 1 ng MPD o Manila police DISTRICT kung saan, mayruong 10 arestadong suspek ang nakakulong.
Giit ni Albayalde, hindi sa iisang himpilan ng pulisya nangyayari ang siksikan sa kulungan kundi maging sa lahat ng istasyon sa buong kalakhang Maynila.
By: Jaymark Dagala