Tiniyak ng Department of Transportation o DOTr na tuloy-tuloy ang implementasyon ng Oplan Biyaheng Ayos hanggang sa matapos ang holiday season.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Manny Gonzales, nais nilang matiyak na magiging ayos ang biyahe pauwi at pabalik ng mga bibiyahe sa iba’t ibang panig ng bansa.
Maaari rin aniyang mag-apply ng special permit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kumpanya ng bus na mangangailangan ng extrang biyahe.
“Nagko-conduct kami ng terminal inspection together with I-ACT, LTFRB, tsaka ‘yung local government unit po to make sure na ang mga terminal nila ay sumusunod sa tamang mga patakaran particularly sa pag-asikaso sa mga pasahero sa terminal, we’re talking not only on bus terminal, but also the seaport, airport.” Pahayag ni Gonzales
(Tolentino Online Interview)