Umaapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mas maayos na koordinasyon para mas mabilis ang pagbibigay ng donasyonn sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Kasunod ito ng pagdagsa ang mga pribadong grupo na direktang nagtutungo sa mga evacuation areas para magpamudmod ng relief goods.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, layon nitong maging sistematiko at maayos ang pamimigay ng tulong.
Ito ay para masigurong mabibigyan ang lahat at hindi mabibigyan lamang ang iilang mga evacuation centers.
Matatandaang nitong makalipas na weekend ay nagkaroon ng matinding trapiko dahil sa dagsa ng mga naglalayong makapaghatid ng tulong sa mga biktima ng bulkan.