Problema sa patubig.
Ito, ayon kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang matinding kinakaharap ngayon ng kanilang syudad, dalawang taon matapos manalasa ang bagyong Yolanda.
Dahil dito, umapela si Romualdez sa pribadong sektor na mag-invest para makapagtayo ng water system sa Tacloban.
“Isinama na namin sa master plan yun kaya humihingi din kami ng tulong sa pribadong sector kung merong mag-iinvest at papasok dito at maglalagay ng water system na malaki at sewerage system dito, yun ay malaking malaking ipact po yun.” Ani Romualdez.
Ipinabatid ng alkalde na kahit papaano nama’y nagkaroon ng improvement sa nagpapatuloy na rehabilitation at recovery efforts sa mga biktma ng kalamidad.
“Masasabi ko naman overall, marami namang improvement, ang gusto ko lang iklaro diyan, very grateful naman kami sa mga tulong na naibigay pero sana i-priority na lang sa pagbigay ng bahay at pagbigay ng tubig para naman they can go on with their lives.” Pahayag ni Romualdez.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita