Inatasan ng Department Of Transportation (DOTR )ang EDSA busway operators at pamunuan ng AF Payments Inc., na bumuo ng maayos na refund system sa mga overcharged na beep cards na pinasan ng mga mananakay.
Ito ang naging tugon ng DOTR sa mga sumbong ng mga commuters na sila’y siningil ng sobra-sobra sa nakasaad na halaga ng kanilang pasahe maging ang mahal na presyo ng card na ginagamit sa cashless transaction sa mga bus.
Ayon kay DOTR Secretary Arthur Tugade, mamagitan ang pamahalaan oras na mabigo ang dalawang kumpanya na resolbahin ang isyu sa overcharging.
Mababatid noong Octubre 5, ay pinasuspinde ng DOTR ang paggamit ng beep cards sa pagbabayad sa mga bus na bumabyahe sa EDSA busway dahil sa sari-saring puna rito.