Nagsagawa ng hakbang ang NTC o National Telecommunications Commission upang matiyak ang maayos na signal sa panahon ng undas.
Inatasan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang lahat ng regional directors ng ahensya na makipag ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC at civil action at amateur groups na maglulunsad ng assistance operations sa kani-kanilang hurisdiksyon.
Ayon pa kay Cordoba dapat din alamin ng NTC regional directors kung anong tulong ang pwedeng maibigay ng ahensya para higit na maging epektibo ang assistance operations.
Handa rin umano silang magbigay ng pansamantalang permit at lisensya sa communications groups na mangangailangan nito para maging mas malawak ang assistance operations lalo na para sa mga umuwi sa mga lalawigan.
Kabilang din sa kanilang mino-monitor ang operasyon ng civic at amateur radio groups sa kanilang nasasakupan.