Pinatitiyak ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na sa pamahalaan at power sector na walang magaganap na brownouts kapag nagsimula na ang COVID-19 vaccination sa bansa.
Ilan sa mga power sector na ito ay ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), National Electrification of the Philippines at National Power Corporation.
Ayon kay Herrera, kailangang matiyak ng lahat ng mga power distributor sa bansa na mayroong maayos at maaasahang suplay ng kuryente sa kasagsagan ng pagbabakuna kontra COVID-19.
Mahirap aniya kung masira ang mga bakuna nang dahil sa kawalan ng kuryente o brownout.